Time flies too fast
Grabe, parang kelan lang, kami yung nagpapasa ng application forms sa iba’t ibang universities. Pinaka pachix, for me, ung UP kasi ang daming hinihingi. Tas naalala ko pa, ingat na ingat kaming sulatan yung form. Hahaha, ginagandahan pa yung sulat.
Tas nung pumunta ng uste para magpasa ng form.. Medyo natatanga pa kung san ung Tan Yan Kee. Tas nalalakihan pa ko sa uste non. Parang kelan lang din, kami yung mag-eexam. Tipong todo aral talaga for the CETs. Nung nag-UPCAT ako, naalala ko pa, 4am gising na ko. Tas naligaw pa kami sa UPD kung san ung Math Building. Inikot namin hahahaha. Pero nakaraos naman at nakita ung testing site.
Pero ngayon, wew, wala na college na ko. Hahaha. Kakamiss </3

